batangueña ire
Thursday, March 23, 2006Ito’y nakuha ko lamang sa prendster… hindi ko ito likha…
may ilan din akong hindi na naintindihan d2…
*naka-italics ung mga hindi ko naintindihan…
Babala isang kuwento na tanging tunay na
Batangueno lang ang
makakintindi | Pop Dado, C.E.O.
Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. . Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit
umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.
Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong- hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay Im entitled for senior citizen discount. Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops… awat na.
Pop Dado: Sana ay naintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at nakapulot kayo ng gintong aral
M.I.B.: Teka, yung 52 Batangueno words naintindihan naming dahil purong Batangueno kami pero ano ga yung gintong aral dine?
Pop Dado: Ala ako tagapagkwento lang, bakit hindi ninyo na lang tanungin ang Mamay.
What a word we have, purong Batangueno, di ga?
Ni hindi ko nagagamit ang mga salitang ito, pag may kausap laang na Batangueno. .
Kung nais nyong maintindihan ang ibang salita, maaari nyong itanong sa akin
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


